Palatanungan para sa mga Dayuhang Residente sa Okinawa Prefecture

Para sa mga dayuhang residente ng Okinawa

Ang pamahalaan ng Okinawa ay nagpapatupad ng survey na ang layunin ay ang pamumuhay kung saan maiisip na "Buti na lang nakatira ako dito sa Okinawa" ng parehong dayuhang residente at Hapon. Kamusta na po kayo sa gitna ng rumaragasang pandemic?
Malamang mayroong paghihirap, may nakakapag-alala at may masasayang bagay. Sana'y maari naming malaman para sa kinabukasan ng "Okinawa".
Ang anumang sagot mo dito ay hindi ilalahad sa publiko at hindi gagamitin laban man o makakasira man sa iyong paglahok sa pagsusuring ito.

8/2/2021

Pamamaraan ng Pagsagot

• Ang sariling opinyon mo lamang ang isagot.
• Bilugan o lagyan ng tsek ☑ ang numerong naaayon sa inyong sagot.
• Kung pinili mo ang salitang “iba”, isulat ang detalye sa ( ) saklong.

DEADLINE: 7/3/2021

Kung may katanungan tungkol sa mga Katanungan na ito. Mangyaring makipag-ugnay sa:

Survey at proyekto para sa pagsulong ng matiwasay na magkasamang pamumuhay ng iba't-ibang kultura sa Okinawa
Ipinagkatiwala na organisasyon:

Okinawa NGO Center / Okinawa Congress
TEL: 098–892-4758 FAX: 098–892–9908
E-mail: onc@oki-ngo.org

※Change Language>>